Pinapurihan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagsuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya kontra iligal na droga.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on the Laity Head, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, magkakaroon na ng pagkakataon ang mga drug user na makapagbago at sumailalim sa rehabilitation.
Naniniwala anya sila sa simbahang katolika na ang suspensyon ng war on drugs ay indikasyon na maaaring matigil na ang sinasabing extra-judicial killings sa halip ay tumutok sa rehabilitation ng mga surrenderee.
Kahapon ay inanunsyo ni PNP Chief dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang suspensyon ng anti-illegal drugs campaign at pagbuwag sa anti-illegal drugs group upang magbigay daan sa paglilinis sa hanay ng pulisya.
By: Drew Nacino