Ipinanawagan ng Department of the Interior and Local Government sa social media giant na Facebook na harangin ang mga iligal na E-sabong o Online Cockfighting pages at accounts.
Umaasa si DILG undersecretary Jonathan Malaya na magiging mabilis din ang aksyon ng META, na parent company ng FB, sa pagsugpo sa mga nasabing pages gaya ng pag-suspinde ng naturang social media platform sa mga lumalabag sa kanilang Community standards.
Isinumite rin ni Malaya ang listahan ng pitong Facebook pages, groups at accounts na tinukoy ng PNP Anti-Cybercrime Group na tuloy pa rin ang E-sabong operations.
Samantala, nagpasalamat naman si DILG secretary Eduardo Año sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa kautusan sa Bank-Supervised Financial Institutions na alisin ang E-sabong operators mula sa list of merchants sa kanilang online applications.