Nagsimula nang mangalap ng isang milyong lagda ang Katipunan ng Demokratikong Pilipino para hilingin sa Pangulong Rodrigo Duterte na suspindihin na ang EPIRA o Electric Power Industry Reform Act.
Ayon kay KBP Chairman Butch Valdez, ito lamang ang nakikita nilang paraan upang maibsan naman ang paghihirap ng mga Pilipino.
Dalawampu’t apat na porsyento aniya ng buwanang sahod ng isang pamilya ang napupunta lamang sa hindi makatarungang presyo ng kuryente.
Sinabi ni Valdez na doble ang presyo ng kuryente sa Pilipinas kumpara sa Estados Unidos dahil sa EPIRA Law.
Taong 1991 nang isabatas ang EPIRA Law kung saan isinapribado ang power transmission at generation assets ng pamahalaan.
(Ulat ni Aya Yupangco)