Tuloy na ang temporary suspension ng fuel excise tax sa unang bahagi ng susunod na taon.
Ito ang tiniyak ng pinuno ng economic team ng Duterte administration na si Finance Secretary Carlos Dominguez.
Gayunman, nais ng Department of Finance (DOF) na ibalik ang implementasyon ng increased oil tax sa oras na manumbalik sa below 80 dollars per barrel ang presyo ng krudo sa internanational market.
Ipinunto ng kalihim na bagaman sa Enero 1 ng taong 2019 pa ipatutupad ang suspensyon, mayroon pa naman aniyang sapat na oras ang Malacañang upang ikunsidera ang rekomendasyon ng economic team.
Magkakaroon din anya ng pag-aaral matapos ang unang tatlong buwan ng excise tax suspension upang mabatid kung bababa sa below 80 dollars per barrel ang global oil price average.
2020
Tuloy pa rin ang full implementation ng fuel excise tax hike sa taong 2020 kahit pa may plano ang Department of Finance na suspendihin ang second tranche ng dagdag buwis sa ilalim ng Tax Reform Law.
Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, ipatutupad ng gobyerno ang 6 pesos per liter excise tax sa krudo kahit pa suspendihin ang second tranche ng increase sa susunod na taon.
Ito, aniya ay hangga’t hindi umaabot sa 80 dollars per barrel ang presyo ng Dubai crude bago ang taong 2020.
Ipinunto ni Chua na pansamantala lamang ang suspensyon at nakasaad na sa batas ang itinakdang increase kaya’t kung sususpendihin ang excise tax sa susunod na taon ay awtomatiko ang full implementation ng dagdag buwis sa langis sa taong 2020.
—-