Iginagalang ng NDFP o National Democratic Front of the Philippines ang pasya ng Pangulong Rodrigo Duterte na suspindihin ang peace talks sa kanilang hanay.
Gayunman, sinabi ni NDFP Chief Negotiator Fidel Agcaoili na hindi awtomatikong nakakansela ang peace talks dahil lamang sa pahayag ng Pangulo.
Sa ilalim anya ng JASIG o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee mayroon silang tatlumpung (30) araw upang ayusin ang gusot na naging ugat ng gustong pag-atras ng kabilang panig.
“Kinakailangang magpadala ng written notice sa kabilang panig at para mabigyan kami ng 30 days makapag-ayos sa aming hanap, yana ng nakalagay sa JASIG.” Ani Agcaoili
Binigyang diin ni Agcaoili ang sinseridad ng NDFP sa kanilang pakikipag-usap sa pamahalaan.
Matagal na anya nila itong napatunayan sa pamamagitan ng pagpapalaya sa kanilang prisoners of war at marami pang aksyon na pabor sa gobyerno.
“Noon ngang Mayor pa si President Duterte kadalasan ay siya ang tumatanggap ng mga prisoner of war namin at amin pong hiniharap sa kanila at ibinigay ang aming agreement on social and land reforms, maging ang agreement sa political and constitutional reforms, maging yung pagkakaroon ng unilateral ceasefire kahit walang bilanggong pulitikal ang lumaya, kahit 17 lang ang lumaya sa mga pinag-usapan, pagpapatunay po yan na tayo ay sinsero.” Pahayag ni Agcaoili.
Related Article: (READ) Mga pinalayang NDF consultant, di puwedeng basta-basta arestuhin
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
Photo Credit: CPP website