Binigyang diin ng Department of Finance o DOF na makakasama para sa mga pangunahing programa ng gobyerno kapag sinuspinde ang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Una rito, inihayag ng Senate Committee on Economic Affairs na irerekomenda nila ang pagsuspinde sa bagong tax reform package kapag patuloy na tumaas ang “inflation” o presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, unang matatamaan dito ang 8 trilyon na ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyong Duterte.
Bukod pa dito, maaari rin aniyang mabawasan ang pondo ng libreng tuition sa mga state universities and colleges o SUCs ganoon din ang ipinatutupad na pagtaas sa suweldo ng mga pulis at sundalo.
—-