Hindi nakikita ni Vice President Leni Robredo ang pangangailangan sa pagsuspindi ng Writ of Habeas Corpus sa ngayon dahil natutugunan naman, aniya, ng administrasyon sa sinasabing lawlessness at iligal na droga.
Ipinaalala rin ng Pangalawang Pangulo na malinaw na nakasulat sa konstitusyon na tanging paglusob sa bansa, rebelyon, at kapag may banta sa kaligtasan ng publiko ang mga pwedeng basehan sa pagsuspindi sa Writ of Habeas Corpus.
Gayumpaman, maituturing ng extraordinary remedy iyon at hindi basta-basta ginagamit.
Ayon kay Robredo, naniniwala siyang, sa sitwasyon ngayon, hindi pa kailangang magdeklara ng Suspension of Writ of Habeas Corpus.
By: Avee Devierte