Ikinagalak ng isang kongresista ang naging desisyon ng Insurance Commission (IC) na suspendihin ang pagpapatupad ng insurance premium rate hikes sa mga sakuna tulad ng bagyo, baha at lindol.
Ayon kay AGRI Partylist Representative Wilbert Lee, ang pasyang ito ng IC ay maituturing na pamasko sa taumbayan.
Una nang nagpahayag ng pagtutol sa planong pagtataas ng insurance premiums ang ilang kompanya at organized business groups, kabilang ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Employers Confederation of the Philippines (ECOP), PHILEXPORT, Philippine Franchise Association (PFA) at iba pa.