Kinalma ng isang ekperto ang publiko hinggil sa pagsusukat ng damit sa mga Department store o ukay-ukay.
Sa harap ito ng pangamba sa posibilidad na mahawa ng Monkeypox virus.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease expert, makukuha lamang ang virus kung mayroong direct contact ang isang indibidwal na infected ng nasabing virus.
Hindi ito makukuha sa pagsusukat ng damit maliban kung galing ang damit sa infected ng naturang sakit.
Ilan pa sa mga pagkakataong maaaring mahawasa ang isang indibidwal ay ang paggamit ng hindi na-disinfect na pinggan, kutsara, tinidor at baso ng isang pasyenteng mayroong Monkeypox.