Ikinabahala ng isang political analyst ang paglutang muli ng grupong nagsusulong ng revolutionary government.
Ayon kay Professor Ramon Casiple, bagamat kasama sa kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte ang usaping ito, ang tingin nya sa paglutang muli ng isyu ay paghahanda para sa eleksyon.
Sinabi ni Casiple na sa ngayon ay lumalabas na opinyon lamang ng mga miyembro ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee ang usapin ng revolutional government, pero ibang usapan na anya kapag nagkaroon na ng pagkilos para maipatupad ito.
Lumalabas ‘yung ganyang mga usapin, hindi mo maiwasan na pag-isipan na naka-ugnay ito sa sunod na eleksyon. At ito ‘yung nakakabahala, kailangan pang bantayan kung ano ba talaga ‘yung tinutukoy ng mga nagsabi nito. Kasi, sa tingin ko, wala namang dahilan para hindi ituloy ang eleksyon, at hindi pwedeng sabihin na magulo ang Pilipinas. In fact, may mandato ang gobyerno, including ang presidente, na ituloy ang eleksyon natin na normal,” ani Casiple. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas