Nanawagan ang mga grupo ng mga kababaihan sa mga mambabatas na gawing prayoridad ang pagsusulong ng mga batas laban sa rape at sexual harassment.
Ito ay matapos na tukuyin ng Philippine Commission on Women na isang babae o bata ang nabibiktima ng panggagahasa kada oras.
Sa nasabi ring tala, isang babae o bata ang nabibiktima ng karahasan kada 20 minuto kung saan pinaka talamak dito ay ang pisikal, emosyonal at ekonomikal na pang-aabuso.
Para naman sa grupong Center for Women’s Resources, mas lalong lumala ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan at bata dahil sa social media.
Ayon ky CWR Esecutive Director Jojo Guan, dahil ito sa maraming kaso ng pamba blackmail sa mga kababaihan kung saan binabantaang ilalabas sa social media ang kanilang mga sex videos at iba pang kaso.