Nanindigan ang mga Senador na kanilang itataguyod ang pananatili ng Senado kahit pa tuluyang magpalit na ng sistema ng pamahalaan at maamiyendahan na rin ang saligang batas.
Kahapon, pormal nang naihain ni Senador Panfilo Ping Lacson ang kaniyang resolusyong humihiling sa mga Senador na mag-convene bilang hiwalay na Con-Ass o Constituent Assembly.
Binigyang diin ni Lacson sa kaniyang resolusyon ang pagbuo sa isang fundamental law upang malaman kung paano bubuuin ang Kongreso ang mga pag-amiyenda sa 1987 constitution.
Una nang nagpahayag ng kanilang suporta ang mga Senador sa panukalang ito ni Lacson subali’t hati naman sila sa kung paano dapat amiyendahan ang saligang batas.
Kabilang na rito ang pagkontra sa nais ng partido PDP – Laban na unicameral form of government kung saan, iisa na lamang ang kapulungan ng Kongreso na siyang tatayo bilang tagapagbalangkas ng batas na tatawagin namang parliyamento.