Batid ng bagong miyembro ng Kamara na si Former DSWD Secretary at ngayo’y ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo ang lawak at bigat ng responsibilidad bilang isang mambabatas para maisulong ang interes ng publiko at makatulong sa mga legislative agenda ng mababang kapulungan ng kongreso.
Ginawa ni Tulfo ang pahayag matapos manumpa sa harap ni House Majority Floor Leader Manuel Jose Dalipe.
Pahayag ng Solon, gagawin nito ang lahat nang sa gayuy masuklian ang tiwala na ibinigay sa kanya para mapagsilbihan ang mga pilipino ng may dedikasyon at integridad.
Pinalitan ni Cong. Tulfo ang binakanteng pwesto ni dating ACT-CIS third nominee Rep., Jeffrey Soriano, alinsunod sa Section 16 ng Republic Act No. 7491. - mula sa ulat ni Jopel Pelenio