Suportado ng United Kingdom (UK) kasama na ang UNCLOS ang pagsusulong ng International Maritime Laws ng Pilipinas.
Ayon kay British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils, ito ay para mapahupa ang tensyon sa South China Sea at masiguro ang Freedom of Navigation.
Asahan na rin aniya ang pagpapalakas sa presensya ng British carriers sa rehiyon.
Nabatid na isa si Beaufils sa apat na foreign diplomats na humarap kay President-elect Bongbong Marcos kasama sina Singaporean Ambassador Gerard Ho, French Ambassador Michele Boccoz, at European Union Representative Luc Veron.