Tinabla ng Malacañang ang panawagan ng grupong Laban Consumer na magtalaga ng tinatawag ng ‘price czar’.
Kasunod ito ng pinangangambahang epekto ng implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, bagamat maganda ang layunin ng nasabing grupo ay nariyan naman ang Department of Trade and Industry o DTI para i-monitor ang halaga ng mga prime commodities sa harap ng inaasahang dagdag sa presyo ng mga ito.
Giit pa ni Roque, kalabisan na kung maglalagay pa ng ‘price czar’ dahil maaaring madoble lang ang responsibilidad at trabahong ginagawa ng DTI.
(Ulat ni Jopel Pelenio)