Hindi pa rin bumibitiw ang ilang grupo ng LGBT community sa kanilang pagsusulong ng pagkilala sa kanilang karapatan kabilang na ang same – sex marriage.
Ito ay kahit pa tuluyan nang ibinasura ng Korte Suprema ang same – sex petition with finality.
Ayon sa grupong LGBT BUS President Regie Pasion, patuloy ang kanilang pagsuporta sa panukalang batas na kumikilala sa civil partnership ng same sex couple na inihain ni Bataan Rep. Geraldine Roman.
Nagiging mahirap man at mabagal ang kanilang laman ay naniniwala sila na darating ang panahon na kikilalanin din ng estado ang kanilang posisyon na ang kasal ay karapatang pantao at hindi isang pribilehiyo kahit ano pa ang kasarian, kulay, relihiyon ng isang tao.