Inaasahang tataas na rin sa 80 porsyento ang 5G network capability ng bansa partikular na sa Metro Manila ngayong taon
Ito’y ayon sa mga opisyal ng Telecommunications Companies o TelCos makaraang makapagpatayo na sila ng libu-libong signal towers
Ayon sa TelCo officials, malaking bagay ang naging hakbang ng Pamahalaan na paluwagin ang pagkuha ng permits lalo na sa mga Local Government Unit o LGU’s
Kinilala naman ng Pamahalaan ang ginawang pagsisikap ng mga TelCo na pagbutihin pa ang kanilang serbisyo sa publiko na siya namang nagresulta sa pagbilis ng internet service sa bansa
Ayon kay National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba, asahang patuloy pang bubuti ang serbisyo ng mga TelCo sa bansa sa mga susunod na araw
Batay sa November 2020 report ng Independent Analytics Company na Ookla, umabot na sa 28.69 Mbps ang average download speed sa bansa para sa fixed broadband habang nasa 18.49 Mbps naman sa mobile