Hindi kailangang magsuot ng double face mask ang publiko sa kabila ng banta ng United Kingdom variant ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y dahil ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa naman napatutunayang mabisa ang dobleng face mask laban sa virus.
Giit ni Vergeire, ang tanging epektibong proteksiyon sa ngayon laban sa impeksiyon ay ang pagsusuot ng face mask, face shield at physical distancing.
Mas mapapadali rin aniya ang pagpuksa sa COVID-19 kung lahat ng mamamayan ay susunod sa health standards.