Hinikayat ni COVID-19 treatment czar health Undersecretary Leopoldo Vega ang publiko na doblehin ang pagsusuot ng facemask at patuloy na sumunod sa health protocols.
Nilinaw ni Vega na ang naturang panukalang doblehin ang face mask ay personal n’yang rekomendasyon at hindi ng Department of Health.
Sinabi pa ni Vega, kailangang gawin ang mga bagay na maaaring magawa laban kontra COVID-19, kaya’t hangga’t maaari kung kayang doblehin ang face mask ay gawin aniya ito.
Ayon pa kay Vega, maaaring mangyari ang naging pag-aaral ng OCTA research group na umabot ng 11,000 ang araw-araw na kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Marso.
Kaya’t muling nagpaalala si Vega sa mga responsibilidad ng bawat isang Pilipino na sumunod sa health protocols na inilatag ng pamahalaan.