Hinimok ng Department Of Health (DOH) ang publiko na magsuot ng dobleng mask upang ma-kontrol ang filtration at mapigilan ang anumang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan ito upang maging ligtas ang indibidwal sa virus.
Sa nasabing paraan, inirerekomenda ang surgical mask na pinatungan ng telang mask.
Pinaka-inire-rekomenda naman ang paggamit ng N95 at KN95 para sa maximum na proteksyon laban sa COVID-19.
Ang surgical mask ay kailangang palitan sa loob ng anim na oras habang madalas dapat na labhan ang telang mask. —sa panulat ni Abby Malanday