Inirekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagsusuot ng face masks hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinoprotektahan ng face masks ang publiko hindi lamang sa COVID-19 kundi maging sa iba pang mga sakit gaya ng monkeypox.
Sinabi pa ng opisyal na maaari lamang tanggalin ang face masks tuwing kakain o mag eehersisyo.
Delikado rin aniya ang pag-isyu ng Executive Order upang alisin ang face mask mandate lalo’t tumataas ngayon ang mga kaso ng COVID-19, may mga subvariant na nakapasok sa bansa at humihinang immunity o bisa ng bakuna laban sa virus.