Obligado o mandatory na ang pagsusuot ng face masks at iba pang uri ng personal protective equipment (PPE) sa tuwing lalabas para mamili ng mga essential items o pangangailangan ng pamilya tulad ng pagkain.
Sa pahayag ng tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force (IATF) na si Secretary Karlo Nograles, sinabi nito na pag-uubliga sa pagsusuot ng face masks ay alinsundo sa ‘resolution 18’ na in-adopt ng IATF na bahagi ng pinaigting na pag-iingat ng pamahalaan bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak sa bansa.
Kasunod nito, pinaalalahanan ng palasyo ang mga local government unit (LGU) na mahigpit na ipatupad ang mga panuntunan tulad ng home quarantine, social distancing, at pagsusuot ng face masks sa kanilang mga nasasakupan.
Samantala, paalala ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG), kasama sa kautusan ang mga exempted sa lockdown.
Sa panulat ni Ace Cruz.