Pinag-aaralanan na rin ngayon ng local government ng Quirino Province na alisin ang mandato ng pagsusuot ng face mask sa kanilang lalawigan.
Ayon kay Quirino Governor Dakila Carlo Cua, posibleng sumunod ang probinsya sa Cebu na una na ring nagbaba ng kautusan na hindi i-required ang pagsusuot ng face mask.
Pero aniya, kailangan muna itong isangguni sa eksperto upang matiyak na magiging ligtas at epektibo ang kalalabasan.
Iginiit naman ng gobernador na bagaman ay dapat sundin ang national government, kailangan ding tignan ang autonomy ng LGU.