Inanunsyo ni Indonesian President Joko Widodo na hindi na required ang pagsusuot ng mask sa labas ng mga kabahayan sa kanilang bansa.
Ito ay kasabay ng bumababang kaso ng COVID-19 sa Indonesia, ngunit sa kabilang banda ay mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor establishment at maging sa mga pampublikong sasakyan.
Dagdag pa ni Widodo ang mga regulasyon sa pagpasok ng mga dayuhan sa Indonesia ay nakatakdang pagaanin din.
Mababatid na patuloy na bumaba ang naitatalang pang-araw-araw na kaso ng COVID-19 sa naturang bansa mula sa naiulat na noong Pebrero.