Mahigpit nang ipatutupad ng mga otoridad ang polisiyang pagsusuot ng face mask sa loob ng sasakyan, pribado man o pampublikong transportasyon.
Ayon kay LTO-NCR Director Clarence Guinto, kailangan itong sundin kahit nakatira sa iisang bahay ang mga pasahero.
Ang mahuhuling lumabag ay magmumulta ng P2,000 para sa mga pribadong sasakyan habang P5,000 naman para sa mga pampublikong transportasyon.
Nilinaw naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi na obligadong magsuot ng face mask kung nag-iisa lang ang driver sa sasakyan.