Inirekomenda ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagsusuot ng face mask ng mga magpupunta sa videoke bar o habang kumakanta upang mabawasan ang panganib ng pagkalat ng COVID-19.
Sa ilalim ng Alert level, papayagan anya ang mga karaoke bar 2 na mag-operate ng 50% capacity para sa mga fully vaccinated customer.
Bukod dito, kailangan ding bakunado na ang mga empleyado at manggagawa ng mga nasabing establisimyento.
Ayon kay Roque, hindi nila nais maging isang superspreader event ang mga ganitong aktibidad sa mga videoke bar kaya hangga’t maaari ay mag-ingat pa rin ang publiko.
Simula kahapon ay isinailalim sa mas maluwag na Alert level 2 Metro Manila hanggang Nobyembre 21. —sa panulat ni Drew Nacino