Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya aalisin ang polisiya sa mandatory use ng face masks.
Sa kanyang Talk to the People, inihayag ni Pangulong Duterte na hanggang sa matapos ang kanyang termino ay dapat pa ring magsuot ng facemask ang publiko lalo’t may banta ng mga bagong variant ng COVID-19.
Hinimok din ng Punong Ehekutibo ang publiko na panatilihin ang mahigpit na health protocols, bunsod ng biglang pagtaas ng COVID-19 cases na maaaring dulot ng pagka-kampante ng ibang bansa sa pagluluwag ng restrictions.