Inihayag ng health department na nakabase sa siyensya ang lahat ng mga polisiyang kanilang inilalabas na may kaugnayan sa pag-iingat ng publiko kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire hinggil sa ulat na may ilang bansa ang hindi naman nagpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face shield taliwas na ipinatutupad sa bansa.
Ayon kay Vergeire, lumabas sa isang pag-aaral ng mga eksperto na 78% na nakapagbibigay na proteksyon laban sa virus ang pagsusuot ng face shield.
Habang may iba namang pag-aaral ang nagsasabi na aabot sa 90% na proteksyon ang maibibigay sa isang indibidwal kung ito’y magsusuot ng face shield at face mask.
Kaugnay nito, naniniwala rin ang health department na nakatulong ang pagsusuot ng face mask at shield ng publiko sa pagkontrol ng pamahalaan sa pagkalat ng COVID-19.