Iginiit ng isang health expert na ang pagsusuot ng face shield ay malaking tulong para mabawasan ang bilang ng nasasawi dahil sa COVID-19.
Ito’y sa gitna ng debate kung dapat ba o hindi i-require ang pagsusuot ng face shield sa labas ng bahay.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Philippine Task Force on COVID-19 variants, sa pagsusuot ng face shield ay nagkakaroon tayo ng dalawang layer ng proteksyon laban sa virus.
Sakali aniyang makalusot pa rin ang virus, kakaunti na lamang ito dahilan para magkaroon lang ang isang tao ng mild symptoms ng COVID-19.
Ito aniya ang dahilan kung bakit mababa lang ang death rate sa Pilipinas kumpara sa naitatala sa US, UK, France at Spain.
Kaugnay nito, sinabi ni Salvana, na naniniwala siyang hindi pa panahon ngayon para bawasan ang ipinatutupad na health protocols lalo’t mayroon banta ngayon ng mas delikadong delta variant.