Nilinaw ng World Health Organization o WHO na hindi pa napapanahon ang pagbawi ng polisiyang pagsusuot ng face shield dahil na rin sa record-breaking na COVID-19 cases sa Pilipinas.
Ayon kay WHO Country Representative Rabindra Abeyasinghe, dapat munang ipagpaliban o planuhin ang mga pagbabago sa polisiya sa sandaling ma-control na ang sitwasyon.
Isa anya ang Pilipinas sa kakaunting mga bansana nagpapatupad ng pagsusuot ng face shield.
Una nang binigyang-diin ng Department Of Health na kailangang ipagpatuloy ang pagsusuot ng face shield habang mababa ang vaccination coverage sa bansa.—sa panulat ni Drew Nacino