Naniniwala mismo si treatment Czar Leopoldo Vega na hindi na kailangan magsuot pa ng face shield sa labas ng bahay.
Ngunit paglilinaw ni Vega, mahalaga ang pagsusuot ng face shield kung maraming taong nakakasalamuha gaya sa loob ng mall at mga pampublikong sasakyan.
Ani Vega, maaaring tanggalin ang face shield kung wala naman masyadong tao sa paligid o maaaring makaharap na indibidwal.
Gayunman sinabi ni Vega na dagdag proteksyon pa rin laban sa pagkahawa sa COVID-19 ang pagsusuot ng face shield.
Magugunitang mga nagsusulong na huwag nang gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield dahil nakakasagabal ito sa trabaho o iba pang kailangan gawin.