HINDI mandatory o sapilitan ang pagsusuot ng face shield sa Marikina City.
Ito ang nilinaw ng lokal na pamahalaan sa gitna ng pagsirit ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Ayon sa Marikina LGU, optional ang pagsusuot ng face shield at bahagi lamang ito ng ibayong pag-iingat sa mga congested areas kaya’t nangangahulugan na wala itong kaakibat na penalty o multa.
Muli namang umapela ang Lokal na Pamahalaan sa kanilang mga residente na gawin ang ibayong pag-iingat lalo pa’t nariyan ang banta ng Omicron variant.