Hindi na required ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 1 at 2, para sa paparating na may elections.
Batay sa new normal manual ng poll body, ang paggamit ng face shield sa pagboto sa 2022 Elections ay boluntaryo na lamang sa mga lugar na isinailalim sa Alert level 1, 2 at 3.
Gayunman, obligado pa rin ang mga botante na magsuot ng face mask at sundin ang minimum public health protocols.
Sasailalim din ang mga botante sa non-contact temperature check, at sakaling lumagpas sa 37.5 degrees celsius ang temperatura ng isang botante ay dadalhin ang mga ito sa isang isolated polling place upang makaboto.