Idinagdag na sa minimum health standards ang pagsusuot ng faceshield sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.
Kabilang ito sa inilatag na bagong guidelines ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos i-anunsyo na mananatili sa GCQ ang Metro Manila at iba pang lugar na mataas pa ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Roque, isasailalim rin sa enhanced community quarantine ang mga barangay na aabot sa 80 porsyento ang kasong COVID-19.
Kasabay nito, ini anunsyo ni Roque na mayroon nang 10-milyong testing kits ang Department of Health (DOH) na gagamitin sa massive targeted tesing lalo na sa mga lugar na isasailalim sa lockdown.
Ang DOH po ay pino-proseso na pina-pilot na po o tinatawag na pooled testing kung saan ang isang testing kit ngayon, dati ginagamit ng isang tao ngayon pwe-pwede na gamitin ng 10 katao. So ‘yung 1-milyong testing kit natin pwede ma-test ang 10-milyon nsimula na po ang proseso ng validiation ng DOH at inaasahan po natin ‘yung mga pilot studies ay gagamitin po natin sa localized na barangay po. ani Roque
Ayon kay Roque, itataas na rin sa 50 porsyento ng bed capacity ng mga pampublikong ospital ang ilalaan para sa mga kaso ng covid mula sa dating 30 porsyento at itinaas naman sa 30 porsyento ang sa private hospitals.
Magkakaruon na rin ng malaking papel at obligasyon ang mga local government units na magkaruon ng regular na pag uulat kung paano ipinatutupad sa kanilang lugar ang mga guidelines.
Ang mga impormasyon na kailangan i-submit ng mgalocal government units ‘yung daily trend of active cases, number of population. ‘yung cases in community isolation facility against sa health facility atchaka dun sa mga nasa bahay lamang. ‘Yung percent ng close contact trace and percent of contacts of quaratine, number installation of commun ity isolation beds atchaka na-meet na po ‘yung health system capacity target and utilization at ‘yung covid special team investigation and reports ani Roque