Iginiit ni Infectious Disease Expert Doctor Tony Leachon na huwag abandonahin ang pagsusuot ng facemask.
Sinabi sa DWIZ ni Leachon na kailangan pa ring isuot ang facemask dahil hindi pa tapos ang pandemya at nananatiling mababa ang booster rate sa bansa.
Kaugnay nito, ibinabala ni Leachon ang pagtataas ng mobility ng mga tao ngayong holiday season ay maaaring magresulta sa hawahan.
Dahil dito, pinaghi-hinay-hinay ni Leachon ang publiko sa pagdiriwang ng kapaskuhan kasunod ng mga kaso ng mga variant at subvariant ng COVID-19. - sa panulat ni Hannah Oledan