Dapat maging “optional” na lamang pagsusuot ng facemask sa outdoor settings kahit mayroon pa ring banta ng COVID-19.
Ito ang inirekomenda ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion matapos katigan ang pahayag ni Infectious Disease Expert, Dr. Rontgene Solante na maaari nang alisin ang state of public health emergency sa bansa.
Dapat naman anyang manatiling mandatory ang pagsusuot facemask sa indoor setting, partikular sa public transportation.
Naniniwala si Concepcion na maaari nang gumawa ng sariling desisyon ang mga pilipino na protektahan ang kanilang sarili laban sa COVID-19.