Isinusulong ngayon sa Kongreso ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group na ipagbawal ang full face helmet at sa halip ipatupad ang half face helmet sa mga maliliit na motorsiklo o ang 400-cylinder capacity pababa.
Ayon kay HPG Spokesperson Senior Inspector Jem Delantes, mabisa itong paraan kontra sa mga riding in tandem na siya na ngayong tututukan ng PNP.
Nagpasa na aniya sila ng position paper sa Kongreso para amyendahan ang Helmet Law.
Bukod ditto, sinusuportahan din ng HPG ang panukala ng Land Transportation Office o LTO na paglalagay ng plaka sa harap ng mga motorsiklo.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng HPG sa mga motorcycle clubs upang humingi ng mga suhestyon para mapigilan ang pamamayagpag ng mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo.