Hindi maituturing na paglabag sa civil service rules ang pagsusuot ng iba’t-ibang kulay ng damit bilang pagsuporta sa mga kandidato sa pangkapangulo sa 2022 election.
Ayon kay former Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, indikasyon ito ng freedom of expression kung saan may laya ang lahat na magsuot ng gustuhin nilang kulay.
Hindi naman maituturing na paglabag sa batas ang pagsasagawa ng mock elections ng mga government unions hangga’t hindi ito pasok sa office hours. —sa panulat ni Abby Malanday