Nagpatupad nang mas mahigpit na kautusan ang taliban para sa mga babaeng Afghanistan sa paraan ng pagsusuot ng damit.
Sa direktiba, kailangang balot na balot ang mga babaeng Afghan tuwing magtutungo sa public places o ‘yung pagsusuot ng tradisyunal na Burqa na kulay asul kung saan mata na lamang ang kita.
Mismong si Afghanistan’s supreme leader at taliban chief Hibatullah Akhundzada ang nag-apruba sa kautusan.
Walang pinipiling edad ang kautusan na ayon kay Akhundzada ay para sa kaligtasan ng mga babae.
Una rito, pinagbawalan na rin ang mga Afghan women na magtrabaho sa gobyerno, sekondaryang edukasyon at mag-travel sa labas ng siyudad nang walang kasama.