Aprubado na sa committee level ang panukalang batas na naglalayong suspendehin ang pagtataas sa contribution rate ng Social Security System (SSS).
Sa virtual hearing ng house committee on government enterprises and privatization, inaprubahan ang house bill 8317.
Sa ilalim nito, bibigyan ng kapangyarihan ang pangulo na suspendihin ang pagpapatupad ng nakatakdang pagtataas sa monthly contribution ng SSS.
Ayon sa panukala, nararapat lamang mabigtan ng prerogative ang pamahalaan na baliin o huwag sundin ang mga panuntunan sa ilalim ng social security law kung ikabubuti ito ng mas nakararami.
Anila, mas mahihirapan ang lahat na makabawi mula sa mga negatibong epekto ng COVID-19 pandemic kung sasabayan ito ng pagtataas sa contribution rate ng mga SSS members.
Batay sa Social Security Act of 2018, nakatakdang magtaas ang buwanang kontribusyon sa sss ng labing tatlong porsyento ng sweldo ng kada miyembro simula ngayong Enero.