Inaasahang matatapos sa katapusan ng Marso ang pagsusuri ng Department of Health o DOH sa mga bilanggo para matukoy ang mga positibo sa HIV.
Napag-alaman kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial na bahagi pa lamang ang mga preso sa Quezon City Jail na natuklasang positibo sa HIV.
Tiniyak ni Ubial na may maibibigay na silang datos sa sandaling matapos nila ang ginagawang pagsusuri.
Una rito, problemado ang Quezon City Jail kung paano ihihiwalay ang inmates na nagpositibo sa HIV dahil bawal ibunyag ang pagkaka kilanlan ng mga ito.
Dahil dito, sinabi ni Supt. Randel Latoza, jaiilwarden ng Quezon City Jail na napilitan na silang mamigay ng condom sa inmates upang mai-iwas sila sa sakit.
By Len Aguirre