Sinimulan na ng South Korean authorities ang pagsusuri sa 200,000 miyembro ng relihiyon dito na hinihinalang nalantad sa pasyenteng apektado ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Kasunod na rin ito nang paglalabas ng relihiyong Shincheonji ng listahan ng kanilang 212,000 miyembro nila.
Ang mga nasabing miyembro ng relihiyon ay susuriin lahat para mabatid kung mayroon silang sintomas ng flu at iba pang respiratory disease.
Ipinabatid ni South Korean Vice Health Minister Kim Gang-Lip na kapag nakitaan ng sintomas ay kaagad silang isasailalim sa home quarantine.
Ang nasabing kaso sa South Korea ay nagsimula sa isang 61-taong gulang na babae na dumalo sa misa ng nasabing relihiyon sa Daegu City.