Isusunod na ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) ang pagsusuri sa mga toyo at patis na ibinebenta sa merkado.
Ito’y sa gitna ng mga sukang napaulat na may synthetic acid.
Layon ng PNRI na matiyak na ang mga toyo at patis na itinitinda sa publiko ay dumaan sa tamang proseso ng produksyon.
Napaulat na rin umano ang pagkakaroon o paggamit naman ng hydrochloric acid o muriatic acid sa ilang brand ng toyo at patis.