Ipinauubaya na ng Malakaniyang sa OSG o Office of the Solicitor General ang mga ligal na hakbang sa kung paano nito idedepensa ang drug war ng pamahalaan sa Korte Suprema.
Ito ang reaksyon ng Palasyo kasunod ng pagtanggi ng Solgen na ibigay sa high tribunal ang mga dokumento na naglalaman ng datos hinggil sa mga operasyong ikinasa ng mga awtoridad.
Ayon kay Roque, batid ng Solgen ang mga implikasyon ng nasabing kautusan bilang opisyal na taga-usig ng pamahalaan kaya’t iginagalang nila ang naturang desisyon.