Puspusan na ang paglilinis na ginagawa ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa isla ng Boracay.
Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, mismong si DENR Secretary Roy Cimatu ang sumusuyod sa mga hotels at iba pang business establishments sa Boracay na posibleng lumalabag sa clean water act.
Natuklasan rin anya nila na napakarami nang establisimiyento ang nakatayo sa mga deklaradong forest at wet lands, na dahilan kayat binabaha na rin pati ang Boracay.
Sinabi ni Leones na umabot na sa dalawandaang establisimiyento na nakatirik sa forest at wet lands ang nabigyan nila ng show cause order.
Kaya siguro napansin niyo, noong mga nakaraang taon, bumaha na sa Boracay dahil wala na talagang paglalabasan ‘yung tubig kapag umuulan doon. Mayroon talagang mga big establishment, big hotel na talagang nakakaapekto sa doon sa forest land, so ‘yun ang tinitingnan natin. Kasi kung ito ay mga illegal talaga, wala naman talagang dapat na gawin doon kung hindi i-demolish na. Pahayag ni Leones