Hindi pa napapanahon ang pagtaas ng alert level sa Metro Manila sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, naniniwala ito na sapat pa ang umiiral na alert level 3 sa NCR.
Sinabi pa ni Abeyangsinghe, dahil sa alert level 3 , nakakakita na ng pagbaba ng mobility sa publiko.
Aniya, agad namang itataas ng pamahalaan ang alert level at magpapatupad ng mas mahigpit na restriksyon sa oras na makakita ng senyales na mao overwhelm na ang healthcare system sa bansa.
Samantala, patuloy naman nagpapaalala si Abeyasinghe na dapat panatilihin ng publiko ang pagsunod sa minimum public health standards partikular na ang pagsusuot ng face mask at social distancing upang mapigilan ang pagsirit ng kaso ng virus.