Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello, III na maaaring makaapekto sa inaasahang pagbangon ng employment sector ang muling pagsasailalim ng mas mahigpit na alert level at ang kamakailang resulta ng hagupit ng bagyong Odette.
Ayon kay Bello, ang pagsalanta ng bagyo at ang biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang maglilihis sa patuloy na pag-angat ng ekonomiya at trabaho sa bansa.
Gayunpaman, tiniyak ni Bello na handa ang kagawaran na magbigay ng tulong sa mga manggagawang maaapektuhan ng alert level system.
Samantala, nananatiling matatag ang DOLE sa pakikipagtulungan sa National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force at pribadong sektor upang aktibong suportahan ang mga hakbangin tungo sa patuloy na pagpapabuti at pagbawi ng labor market. —sa panulat ni Kim Gomez