Walang kaugnayan sa UK variant ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Ayon sa city health office, sumipa ang COVID-19 cases sa lungsod dahil sa pinaigting na contact tracing na ipinatupad ng lokal na pamahalaan.
Pahayag nito, hindi umano konektado sa sample na dinala sa Philippine Genome Center na nakitaan ng ng kaso ng UK variant ang pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa kanilang lungsod.
Sa ngayon, umabot na umano sa 4,106 ang COVID-19 cases sa Lapu-Lapu City.
Samantala, nagkaroon din ng pagsipa ang COVID-19 cases sa Mandaue City base sa swab test results na isinagawa noong February 24 at February 25.
As of February 26, nakapagtala ang lalawigan ng Cebu ng aabot sa 10,039 COVID-19 cases.