Naalarma na ang lokal na pamahalaang panlalawigan ng Lanao del Sur kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga bakwit na mayroong sakit sa pag-iisip.
Ayon kay Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Crisis Management Committee ng probinsya, karamihan sa nakitang nagkakasakit ay may sintomas na psychogical disorder na may antas na level 2 hanggang 4.
Kaugnay nito, umapela ang opisyal sa Department of Health o DOH na magpadala ng mga ekperto upang matulungan ang naturang mga bakwit.
By Rianne Briones