Umaabot umano sa 24 kada oras ang bilang ng unwanted pregnancies sa bansa araw-araw.
Sa imbestigasyon ng Senate Committee on Education, Arts and Culture na pinamumunuan ni Senator Bam Aquino, ito’y dahil naiimpluwensiyahan ang mga kabataan ng mga nababasa o napapanood nila sa internet.
Kasunod ito ng inilatag na resolusyon na naglalayong alamin ang maayos na pagpapatupad ng reproductive health education sa mga eskwelahan.
Sinasabing isa na ang internet sa mga dahilan kung bakit biglang tumaas ang bilang ng mga nabubuntis na kabataan.
Isiniwalat din ni Chief Supt. Carlos de Sagun ng Public Information Division ng PNP na kung dati ay sa ilang tabloid lamang nakakabasa ng sexy ang mga kabataan, ngayon ay mas madali na ito para sa kanila dahil sa internet websites.
Iminungkahi naman ni Sagun ang pagkakaroon ng isang resource person sa bawat eskwelahan upang maituro ang reproductive education partikular ang pag-iwas sa teenage pregnancy.
By Jelbert Perdez